mensahe sa mga umiibig dyan!

Posted on February 5th, 2009 in Uncategorized by asternoelyn

ang love ay hindi minamadali, hindi pinipilit at lalong hindi kina career. unang-una, pano mo ba nasabing MAHAL mo siya? dahil ba natutuwa ka sa kanya o kaya naman ay naaaliw ka? kinikilig ka ba pag nakikita mo siya at naha high ka ba pag naririnig mo ang boses niya?o teka muna… baka naman infatuated ka lang o kaya naman kagaya nga ng sagot mo, baka naaaliw ka lang dahil kakaiba siya.. may spark na hindi mo maintindihan, tiyak ang saklap niyan…

pangalawa, gaano mo na ba siya kakilala? madali ba siyang mapikon?pano ba siya ma badtrip? madali bang mahalata na may topak siya? ano bang suot niya pag nasa bahay,shorts ba o pantalon? sando o t-shirt lang?matagal ba siyang maligo? kumakain ba siya ng vegetables? tamad ba siya o masipag? mas gusto ba niyang manood o magbasa? nagpaplay station ba siya? tatlo bang pamangkin niyang lalaki? makukulit ba yung mga kamag anak niya? green ba ang kulay ng gate nila? sa village ba siya nakatira? may sakayan ba ng jip na malapit sa kanila? nagsisimba ba siya linggo linggo? nagdadasal ba siya bago matulog? in short… alam mo na nga ba mula sa pinakasimple at kumplikadong bagay na na nagdedetermine ng pagkatao niya?as in kung sino talaga siya?

pangatlo, kaya mo ba siyang tanggapin? as in tanggapin ng buong buo sa lahat ng trip niya sa buhay, sa lahat ng katopakan niya, sa lahat ng pag-iinarte niya at pagdradrama niya, sa lahat ng kasalanang nagawa, ginagawa at gagawin pa lang, sa lahat ng maiisip niya, sa lahat ng sasabihin niya, sa mga kilos niya, sa pananamit niya, sa mga salitang kanyang binibigkas at nasasambit, sa mga pananaw niya sa buhay, sa trato niya sa tao, sa lifestyle niya, sa uri ng pamilyang mayroon siya, sa klase ng mga kaibigang kasakasama niya, sa style niya pagdating sa love, sa ka sweetan niyang natural, sa paglalambing at pangaasar niya sa iyo, sa tawa niyang pagkalakas lakas, sa manners niya, sa bisyo niya kung meron man, sa style nya sa pagsosolve ng problema na maaari kang mapasama…

pang apat, kaya mo bang maging totoo?kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama pa rin siya sa isang sitwasyong pag naisip mo eh sobrang mapapaiyak ka na lang dahil sa sakit ng dahil sa kanya? kaya mo bang magmukhang tanga, as in umiyak dahil lang ss kababawan, ibuhos ang nararamdaman mo kahit na puro kababawan nga lang kahit pa sa harap niya? kaya mo bang maging barubal kapag kasama mo siya?… inshort, kaya mo mo bang maging ikaw pag kasama mo siya? yung tipong di ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga dahil alam mo na di mo lang siya tanggap kundi tanggap ka rin niya ng buong buo rin…

mga tao… tama ng pagtritrip, tama na ang pagmamadali.. oo masarap ngang mainlove sa isang tao pero diba mas masarap yun lalo na kung alam mong totoong nararamdaman niyo… wag papabulag sa akala nating love, maghintay lang tayo…wag nating unahan… for all we know di pa pala siya ang para sa atin pero kapag nasagot mo ang lahat ng tanong sa taas, baka nga mahal mo siya… sa mga tinamaan, ok lang yan…

isang malaking kalokohan!

Posted on February 1st, 2009 in Uncategorized by asternoelyn

Sa buong buhay mo, inakala mo na bang umibig ka? O kaya naramdaman mo ang malaking kabulastugan na tinatawag na “pag-ibig”. Masakit di ba? Masalimuot, mahapdi, mabigat, ma…

Ang pag-ibig, isa itong malaking kasinungalingan. Nang ikwento mo sa akin ang love life ng mga kaibigan mo, sinabi ko nga sa iyo na “big joke yun”. Kagaya ko, joke ang nagyari sa akin. Madali kang matatamaan ng pana ni Cupido, di lang ng basta pana ang tatama sa iyo, kundi pana na may lason. Pag-ibig na lason sa mundo mo. Nabuksan ang puso ko, nakita ang niloloob ko kaya’t madali mo akong ginago. Di lang ginago, pati baligtarin ang mundo ko.

Ilang taon na ring nakatayo ang mga depensa ko laban sa kagaguhang tinawag na pag-ibig. Ani ko sa sarili ko, di ako magpapalamon dito. Di ko pababayaan na bigyan ako ng sugat sa mga kalokohang pag-ibig. Ang pag-ibig, ito ang alamat ng ating henerasyon. Ang alamat na kung saan binibigyan ng pinagmulan ang mga kalokohan ng sangkatauhan.

Nobyembre noon. Sa isang napakaordinaryong araw, nakita kita. Sa isang istupidong araw, may isang istupidong tao, na walang pinagkaiba sa mga istupidong tao sa paligid ko, ang umupo sa harap ng pinakastupidong tao sa istupidong mundong ito. Siguro nakita na kita bago noon pero noon lang kita napansin. Ang ganda nga ng ngiti mo noon.

Sa unang tingin cute ka. Hindi maganda, kundi cute. Mataas kasi ang batayan ko ng kagandahan. May ideya ka siguro kung gaano kataas, isa ito sa una mong tinanong sa akin, kung sino ang maganda para sa akin. Para sa akin, isa lang ang maganda sa buong mundo, isa lang. Kaso di ko nasabi sa iyo, na pangalawa ka sa listahan ko sa mga pinakamagandang babae sa mundo. Na ikaw na ang pinakamalapit na babae, kasama ang mga nasa telebisyon at pelikula at supermodel, sa depinisyon ko ng maganda. Sa Ingles, “you may not be the epitome of beauty itself but you’re beautiful nonetheless”.

Kaso, malala pa sa tibay ng bato at tigas sa blokeng semento ang depensa ko noon laban sa ideya na ibigin ka. Bakit pa? Isa ka nga sa mga pinakamagandang babae sa mundo na madalas kong nakikita kung saan saan pero ewan ko kung bakit. Siguro mahiyain ako. Siguro di ko gusto yung mga nasa paligid mo noon. Siguro di lang kita napapansin. Ilang buwan ka ring extra sa pelikula ng buhay ko.

Kaso naging magkaklase tayo. Unang araw ng klase nang umupo ka sa tabi ko. Di ako nagpakilala sa iyo noon o maski lang tinanong yung pangalan mo dahil minasdan kita. Doon lang tayo naging magkatabi sa klase, di na umulit ang ganoong pagkakataon sa loob ng klase. Tapos sa isang napakaordinaryong araw na pareho tayo ng jeep na sinakyan, may malaking kabobohan kang ginawa. Kinausap mo ako. Ibang klase kang kausap, iyon ang kwento ko sa kaibigan ko noon. Ayun na, nawili na akong kausapin ka mula noon. Nagkakilala tayo tapos naging magkaibigan tayo. O baka sa isip ko lang na magkaibigan tayo. Hanggang ngayon pa naman, kung tanungin ako, kaibigan kita. Pero ewan ko kung kaibigan mo pa rin ako. Doon mo napasok ang katakot-takot na depensa ko. At tanga naman ako, hinayaan kong pasukin mo ang mundo ko. Mula noong unang pag-uusap natin, hindi na sa akin ang buhay ko. Ibinilang kita sa mundo ko. Binigyan kita ng parte ng buhay ko maski wala ka namang hiningi, ni katiting.

Unti-unti, ikaw ang naging sentro ng buhay ko. Naniwala ako noon sa pag-ibig. Naniwala ako na mahal kita kahit di mo masusuklian ang pagmamahal ko. Ano pa ba? Paggising, ikaw. Pagtulog, ikaw. Sa panaginip, ikaw. Ang kasama, ikaw at di na yung barkada ko. Ang palaging kasama, ikaw at mga kaibigan mo. Kapag kasama ko ang barkada, ikaw ang bukambibig koko. Sa mga email sa kaibigan, ikaw. Ang kwento sa kaibigan, ikaw. Ang unang pumapasok sa isip ko, ikaw. Ang dahilan ko para pumasok sa klase, para makita ikaw. Ang katext, ikaw. Ang kausap, ikaw. Dumating sa punto na hindi na ikaw ang sentro ng buhay ko, kundi ikaw ang buhay ko. Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw, ikaw… Nawala ako sa malaking ikaw!

Dumating ang panahon ng bakasyon. Nagsimula doon ang pag-unti ng dalas ng pagkikita natin. Bumihira ang pag-uusap natin. May pinasok kang mga pagkakaabalahan at ako rin. Yung mga dating ginagawa na kasama ka, mag-isa ko nang ginawa. Ewan ko kung tama yung naramdaman ko pero iniwasan mo rin ako. Sa madaling salita, nawala ka sa buhay ko.

Nalulong ako sa kasinungalingan na umiibig ako sa iyo. Napasok ang buhay ko ng kasinungalingan kaya’t nilamon ako ng pag-ibig at ako’y natigilan sa kadiliman ng mga kagaguhan ng pag-ibig. Weirdo nga, di ko naman inamin sa iyo na malalim ang pagtingin ko sa iyo at alam kong wala kang gusto sa akin. Pero anlaki ng butas na pupunuin sa pagkawala mo. At tuwing magkakasalubong tayo at umaarte kang di mo ako nakikita, parang may bubog na unti-unti bumabaon sa puso ko.

Masakit. Hindi lang masakit lang sa puso’t isipan. Hindi lang basta masakit. Ito yung sakit na pinupunit ang kaluluwa mo, na parang niluluto ang lamang loob mo, na nasusunog ang katawan mo, na dinadaanan ka ng pison, na ginagarote ang utak mo, na nginangata ang sikmura mo ng daga, na hinihiwa ng lagari ang katawan ko, na parang unti-unti kang binabalatan ng icepick. Ganoon kasakit.

Bakit? Kaya ko lang manghula. Dahil siguro akala ko mahal kita. Siguro dahil nawala ng buo ang buhay ko sa akin. Siguro dahil kagaguhan ang umibig. Siguro dahil nagpaloko ako sa mga kasinungalingan ng buhay ko. Hindi ako sigurado sa mga dahilan pero sigurado ako sa epekto, masakit.

Nakita kita noong isang araw. Nakasuot ka ng pula at nakangiti. “Kamusta na?”, ito ang bakas ng labi ko sa pagsalubong natin. “Mabuti” sabay ngiti, ngiting peke. Sana nga nasa mabuti kang kalagayan habang ako ay nananakit at pilit na pinupuno ang puwang na naiwan mo sa malaking kalokohan na pinamagatang “Buhay Ko”.

Dapat walang bagay na makakagawa niyan. Na kayang kang saktan na kagaya ko. Lalo na ikaw. At maski ang pantasya ng pag-ibig

bagong bihis kah!

Posted on February 1st, 2009 in Uncategorized by asternoelyn

Lahat tayo nag-uunahan, nagkakarerahan papunta sa goal natin, pero come to think of it, hindi naman ang mga pangarap natin ang iniingatan papunta sa goal kundi ang puso natin.

Tumatakbo tayo hawak ang puso natin, natatakot na baka mabunggo, mapatid o makuha ng iba. Siguro naranasan na nating tumakbo na may kabahagi sa puso pero minsan lang yun, swertehan. Yun e kung mahahanap mo ang totoong mag-iingat nito pero parang madalas, kaagaw natin sila sa goal natin. Yun bang kukuhain ang puso mo, papaamuin ka pero para ano, madistract, mawalan ng focus o masaktan. Matapos makuha ang tiwala, malaman ang kwento mo, at buo mong katauhan ay wala na, iisipin mo na lang na siguro pahinga lang ang mga oras na iginugol mo sa piling niya, pahinga lang na parang itinali ka na at ni hindi na magawang makalakad.

Ilang ulit na nga ba na sinabi mong mag-iingat ka, natuto ka na at huli na yun, siguro sa susunod dapat mas specific. Mahirap magsalita ng tapos, sabihin mo na lang na huli na ‘to sa buwang ito, o magpapakasira ako sa taong ito para naman may lisensya kang masaktan o magmukhang engot next year o next month and worst kung sadista ka ay bukas na bukas din papaloko ka ulit. Namiss mo na kasi ang umiyak.

Kaya nga minsan ayaw mo ng ikwento sakaling nakakaranas kang umibig muli, para kung maudlot man ay hindi nila alam at hindi nila sasabihin na whats new? Pero kahit hindi mo sabihin, nagsasalita ang mga mata mo na tila may mga bubbles na heart shape na lumalabas sakaling makita ka nila. Na parang lumulutang ka sa hangin o naglalakad sa ulap. Na kahit krisis ng Pilipinas ang pinag-uusapan ay nakangiti ka at dinaig mo pa si Buddha sa inilalabas mong inner peace, parang nakamit mo ang Nirvana! Ang OA mo kasi magmahal!

At gaya ng mga bula ay kusa itong puputok at masaklap ‘pag sa mata mo sumabog; ang hapdi gaya ng nararamdaman ng puso mo. Buti sana kung isang kurapan lang, isang kusot ng mata okay na, pero minsan kahit anong kusot ng mata, nagka-sore eyes ka na ay mahapdi pa rin ang kalooban. Para ka ng isang isdang tamban na tinanghali sa palengke kaya namumula na at bilasa, pano hindi ka na naman nakatulog kakaisip at kakaiyak. Wala na nga atang katapusan ito.

Nakailang akala na rin; Eto na yun, This is it. Sure na ako. E ano kung magkamali, paano ko malalaman kung hindi ko ieentertain ang feelings, sanay na ako, wala namang mawawala, ganun talaga, sugal yan e.

Simula pa lang, defensive na tayo, wala kasing kasiguruhan. Alam mo lang, masarap ang pakiramdam, parang pumasok ka sa isang bahay na puno ng sorpresa, kritikal dito ang paglakad patungo sa pinto, pagpihit ng doorknob at pagbukas. Sorpreso ang pag-ibig gaya ng pagbubukas ng regalo. Yun nga lang, minsan mas nakakaexcite pa ang pagbubukas kesa sa laman nito. At pagpasok mo ng bahay na iyon, saka ka magpapasya kung dito na nga ba mananahan, lilisanin mo ba ito o wag naman sana, mapapalayas ka dahil sadyang walang kwenta ang may-ari. Kung lalabas ka ng bahay, siguraduhin mo lang na hindi gusot ang damit mo, nakasuklay pa rin at nakaempake ng tama, give yourself some dignity di ba? Kung ipagtabuyan ka naman palabas, dun ka sa gilid o kaya naman sa gate mag empake, syempre talagang nakakaiyak na pulutin isa-isa ang mga damit na isinaboy, parang nakakawalang dignidad, pero sambutin mo pa rin, sa iyo yun, bahagi iyon ng sarili mo. Isipin mo isa kang bida sa soap opera, na matapos apihin ay babalik, buo, matatag, mabango, nakabangon at mas kaakit-akit at this time, siya naman ang manghihinayang, mapapakamot ng ulo at sasabihing nagkamali siya. Gayundin sa pagpulot mo ng gamit malay mo may ibang handang tumulong at makipulot, ingat lang dahil hindi lahat ng tumutulong savior, mahirap ang buhay ngayon baka masalisihan ka pa. double jeopardy na yan. Wag ding masyadong tanga. Mahirap magkwento sa pulis ng istorya ng pagnanakaw, baka humagulgol ka habang ikinukwento mo kung paanong tinangay ng mga kawatan ang underwear mo at hindi ito maunawaan ng mga pulis, baka sa dulo sa psychiatric ward ka nila ipadala.

Sana nga pwedeng irepot sa pulis ang heartaches. Sana may taong malalapitan o masusumbungan sa t’wing masasaktan ka, yun bang hindi ka huhusgahan, makikinig lang siya, itatype nya ang sinasabi mo – parang blotter. Kaso siguraduhin mo rin na iba-ibang pulis nag pupuntahan mo dahil baka mapuno ang record book niya at makagawa ng isang libro ng mga kwento mo. Ano kayang magandang title, Ang Kwento ng Katangahan, o ang pakikipagsapalaran ng puso sa mundo ng mga dyablo, ay katakot naman yun, or (Your Name) – born loser! Masyadong harsh. Bahala ka na siguro sa title, consult mo sa mga friends mo, malamang may maganda silang idea dahil mas kilala ka nila.

O sana pwedeng i-lobby sa congress, gumawa ng batas na Separation o Heartache Leave. Di ba makatwiran naman na magkaroon ng leave pag may hinanakit ang iyong puso? Kasi kung papasok ka e wala ka rin namang nagagawa, iyak ka lang ng iyak, nakatango, parang praning, umaandar ang oras pero ang computer mo at trabaho ay hindi umaandar. Bigla kang hahagulgol at marami ka pang naaabala, sa halip na ikaw lang ang hindi nagtatrabaho, pati mga kaopisina mo hindi na rin nakakagawa sa lakas ng pag-atungal mo kaya naman kinocomfort ka nila. Yung iba namang kaopisina, kahit nasa ibang department ikaw ang pinag-uusapan so hindi rin nakaka attend sa work nila. You’re giving them reasons na maging tamad. Lugi ang negosyo dahil sa’yo. Baka masesante ka pa – kung magkagayon, humingi ka na lang ng separation pay, at least kahit dito sa separation experience na’to may maiuwi ka.

Nakakapraning talaga ang magmahal, nakakaiyak at nakakatawa.

Aminin mo kahit ilang beses ka ng napaso, may parehong kwento tayo? Naranasan mo na’to. Kahit nga masakit gusto mong ikwento di ba, para bang pag inuulit-ulit mo, mas natutuwa ka pa, siguro dahil may natutuklasan ka ulit at minsan saka mo narerealize na ikaw pala ang dahilan, o ikaw ang may kasalanan.

Ilang kaopisina at kaibigan ang may parehong kwento, minsan lalabas kami at paulit-ulit lang ang ikukuwento namin. Akala mo may bago pero yun lang din. Kami naman glued sa stories, nag-aabang ng update pero ang bago hindi yung kwento kundi yung lessons. Tatapusin naman ang kwentuhan sa dance floor! Mula sa I will Survive, Last Dance, September, Im a survivor at Could It be Im falling in Love. Walang pinipili. Sayaw lang ng sayaw. Baka sakaling kaya nitong ibalik ang naalog na pagkatao.

Minsan sa isang pakikipagkwentuhan over choco mudslide ng coffeebean and tea leaf, nakapagbukas ako ng maselang topic na kahit ako hindi ko alam kung paano tatapusin o paano itutuloy ang conversation. Masyado atang mabigat. Lalu pa’t ang kakwentuhan ko ay nasa kabilang linya. Salamat sa sun cell.

Pause

Silence.

Pareho ata kaming natrap sa topic, buti na lang sadyang smart siya at may substance kausap, sabi niya minsan daw nasa simbahan siya at nabasa niya ang phrase na ‘to :

God can heal a broken heart, but He has to have all the pieces.

It says it all.

Ngayong araw na ‘to, binilad ko ang mga damit na pinulot ko, isinampay kasama ng paghihimay-himay sa mga karanasan; masasakit man at magaganda; saka ko inalay sa pinagmumulan ng pag-ibig.

Panahon daw ang makakatuklap sa langib ng sugat. Mahabang panahon na rin iyon. Natuklap na nga ang langib at ang iniwang marka; hindi peklat bagkus isang magandang alaala, isang bakas na nakapinta tanda ng pagkatuto, ng wagas na pag-ibig.

Salamat sa mga nakipulot ng nakasaboy kong gamit. Wala man akong panibagong damit, sapat nang malabhan at makapagpanibagong bihis.

Pagbati para sa isang taon na puno ng pagmamahal.

ang masakatan ai isang sampal ng katotohanan!

Posted on February 1st, 2009 in Uncategorized by asternoelyn

“Ayokong umasa. Masasaktan lang ang marupok kong puso! Huhuhu. Pero kung didinggin ng Diyos ang mga panaghoy ko sa suba, sasaya akong tunay… sa kanyang kandungan! Bwahahaha!”

-anonymous

 

            Sinasabi ko na nga ba na ang valuable life lessons ay nagkalat ngayon sa merkado. Wala mang monetary value ang mga aral na ito, magagamit mo namang sandata ang mga natutunan mo sa pagharap mo sa putanginang bagay na tinatawag nilang buhay. Hindi na naiiba ang kwento ng isang taong matagal ko na ring kakilala pero HINDI ko talaga kinilala. Siguro dahil magkaiba pa kami noon ng paniniwala. Magkasalungat ang aming mga pananaw. Pero kasabay ng pagbuka ng mga talulot ng bulaklak sa panahon ng tagsibol ay ang pag-unlad ng aming pang-unawa sa mga bagay-bagay na noo’y itinuring naming parang nalaglag lang na bulbol habang ika’y naliligo… walang saysay… derecho sa basurahan!

            Nagsimula ang lahat isang araw ng Oktubre. Sakay ako sa isang karawahe (KARAWAHE TALAGAH?!) at matamang minamasdan ang mga nagkikiskis ng palay sa taniman. Panahon ng kasi ng ani. Oras ng pag-aalay ng paminhi sa diyos ng lupa. Mabubusog na naman ang mga kamalig. Makakatikim na ng masasarap na ulam ang mga ordinaryong magsasakang ang tanging kita ay ang kakarampot na bahagi ng ani mula sa lupang inupahan lang. Pero malayo sa kwentong iyan ang kwento ng buhay ng bidang paksa ng sanaysay na ito. Malayung-malayo. Mga 3-km. apart. May isang nagsasalaysay ng pagkabigo habang ang isa’y kwento naman ng isang ngongo. J joke lang. para lang may rhyming.

            Ang pusong marupok ay puso ng pokpok. Diba? Kasi nga naman, kung magiging mahina ang puso mo sa isang gipit na sitwasyon, malamang sa malamang ay mahulog ka sa patibong ng kalibugan. Unti-unti kang bibihagin ng sarili mong kahinaan. At bago mo pa mapagsisihan ang nagawang kasalanan, mapapansin mong inusig ka na ng lipunan. Kaya sa halip na ituwid ang nagawang pagkakamali, tatanggapin mo na lang ang duming ipinapahid sa’yo ng tao, gaano mo man pinandidirihan ang mga ito. Akala mo lang may choice ka. Pero sa tinahak mong landas, wala ka nang alpas! Ito ang realidad. Ang mismong dahilan kung bakit may mga taong hanggang ngayo’y hindi pa rin naniniwala sa ideya ng pag-ibig… ng totoong pag-ibig! Kung bakit may mga taong nagdududa pa rin sa kapangyarihan ng inspirasyon.

            Eh wala naman ako sa posisyong magsalita pagdating sa usaping pag-ibig. Dahil maniwala kayo’t sa hindi, hindi ko pa YATA nararanasang umibig. WUSHUUUUUU?! Kasi takot ako eh. hahahaha. Anlandeeeeeeeeeh! Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, ipinagdarasal kong sana, kahit minsan, bastusin naman ako! Kasi puro na lang paggalang ang iginagawad sa akin ng publiko. Gusto ko namang mabastos paminsan-minsan! Para maranasan ko kung paano maging tao… kung paano gumagana ang art of flirting. Hahaha.

            Sabi nga ni Bayani Agbayani, “Oo, marami akong desisyon sa buhay na mali. Pero isa lang ang natitiyak kong tama, at ‘yun ay ang sundin ang sinasabi nito… ng puso ko!” Ahihihihi. Ang landi lang. Pati si Bayani umiistatement na! :D

            Enjoy the bakasyon everyone! :D