pagibig anoh itoh????
Pag-ibig. Ano ka nga ba?
Ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng “PAG-IBIG”?
- ang sabi nila ang PAG-IBIG daw ay kusang dumarating.
- hindi raw ito hinahanap o hinihintay.
- hindi rin daw ito minamadali kundi pinagiisipang mabuti.
- ang pag-ibig daw ay nagbibigay saya sa isang taong puno ng magpapamahal.
- nagbibigay ng magandang dulot sa buhay ng isang tao.
- mahirap daw itong tumbasan ng kahit anong bagay.
- nahihirapan kana ngunit hindi ka pa rin sumusuko.
- nasasaktan kana ngunit hindi ka pa rin bumibitaw.
- ang PAG-IBIG daw nakakapagpaganda lalo na’t kapag ika’y inlove.
- parati ka daw inspired.
- ang mga ayaw mo na gusto ng taong mahal mo ay natututunan mo ring mahalin at magustuhan.
- naguguluhan kana pero pilit mo pa rin itong iniintindi.
- malayo man o malapit siya ngunit parang nasa tabi mo lang kapag kayo’y magkausap.
- madalas daw ay natataranta ka kapag nagagalit ang mahal mo.
- ginagawa mo ang lahat ng gusto niya huwag lang siya magalit sayo.
- corny man ang mga jokes pero natatawa ka naman.
- nagbibigay ito ng ligaya sau.
- nakakapaglambot ng puso mo kapag ika’y nagagalit.
- nawawala ang problema at pagod mo kapag siya’y kapiling na.
- hahamakin ang lahat kahit alam mong ito’y mahirap.
- pilit mong tinatago ang nararamdaman mo ngunit darating din ang takdang panahon na masasabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin.
ano nga ba talaga ng tunay na kahulugan ng PAG-IBIG? ito ba’y positive o negative? maganda ba ang epekto nito kung ikaw nama’y nahihirapan? masasabi mo ba na ang pag-ibig ay nakakapagpasaya sayo kung ang dulot nama’y puro hinanakit, hirap at sakit? ano ba nga ba talaga ng tunay na pag-ibig? kailan mo malalaman na siya na nga ang karapat dapat sayo? kailangan mo mahahanap ang tunay na magkapagpapaligaya sayo ng hindi ka nasasaktan?
marahil ang pag-ibig ay may kanya-kanyang destinasyon. mayroong masaya at mayroon ding umiiyak, mayroong puno ng pagmamahal at mayron din namang naghahanap ng taong magmamahal ng tunay, mayroong nasa feeling heaven ngunit mayron din namang nahihirapan at mayroon namang kuntento na sa isa ngunit mayron ding mas masaya kung sila’y marami..
maraming kahulugan ang PAG-IBIG. paminsa’y akala mo siya na nga ngunit dumarating ang panahon na marerealize mong hindi pa pala siya. akala mo siya na ang nagbibigay saya sayo ngunit sa kasamaang palad ay sakit at paghihirap pa pala ang maaring maibigay sayo. ang pagibig ay hindi hinihintay dahil ito ay kusang dumarating na lamang. kapag ikay’ naghintay walang lumalapit ngunit kapag ika’y hindi naghintay bigla na lang ito dumarating. tandaan na ang pagibig ay binibigyang importansya at hindi pinaglalaruan. dahil kapag ang pagibig ang naglaro sayo baka hindi mo ito makayanang solusyonan.
*Sa mga taong sawi sa pagibig*
“huwag magalala. hindi pa ito ang katapusan ng mundo. darating ang takdang panahon na ang matagal mo ng hinahanap at hinihintay ay kusang lalapit ding muli sau. huwag magaksaya ng panahon sa kakaiyak o pagmumukmok. dahil ang taong nanakit sa inyo ay ang taong kailan ma’y hindi maaaring maging karapat dapat sa pagmamahal mo. mabait ang God, kung ika’y may malaking paniniwala sa kanya tutulungan ka niyang makalimot at makahanap ng taong karapat dapat sayo..”
*Sa mga taong naghihintay at umaasa*
” huwag masyadong umasa dahil baka ika’y masaktan lamang. kung may mahal ka mas mabuting sabihin mo ito sa kanya. anong malay mo. baka gusto ka rin pala niya..”
*Sa mga taong single*
” may kasabihan nga na mas mabuti pa ang nagiisa kaysa namang sa may kasa-kasama ka nga ngunit parati ka namang sinasaktan at parati mo rin siyang pinoproblema. mas mabuti na ang intindihin muna ang sarili bago intindihin ang ibang tao. marahil malamig nga ang iyong pagibig ngunit sa iyong mga pamilya at kaibigan nama’y puno ka ng pagmamahal..”
*Sa mga two-timers*
“kung hindi maganda ang intensyon mo sa isang tao mabuting huwag mo ng ituloy dahil makakasakit ka lng ng isang inosenteng damdamin. kung hindi labag sa puso mo ang iyong mga sinasabi mabuti na ring huwag mo ng sabihin kaysa namang mayroon kang taong pinapaasa sa wala. tandaan na ang karma ay hindi biglang dumarating kundi sa susunod na araw kung kailan nama’y ikaw na ang nagmamahal ng totoo..”
source: http://prettyberx.blog.friendster.com/2006/02/ano-nga-ba-talaga-ang-tunay-na-kahulugan-ng-pag-ibig/
Yes. Totoo ang kanyang mga sinabi. Lalo na sa mga nabanggit diyan sa itaas.
Sana nagustuhan nyo yung naresearch ko. Masasabi kong madaming makakarelate dyan.
LOVE moves around us. Di natin mapipigilan yan, yan ang ating buhay. Dahilan kung bat tayo patuloy na nabubuhay. Kung wala ang L-O-V-E hindi tayo mabubuo mula sa abo’t putik upang tumayo sa kinatatayuan natin ngayon.
Kung may problema ka man sa pag-ibig. Pareho lang tayo! Haha! Joke. Kung may love problems kayo, you can ask me. I guess, I can give you some advices.
Teka nga lang, bakit ganun? Andami kong natutulungan, andami kong nabibigyan ng advice pero ako mismo, sa sarili ko. Di ko kayang i-apply lahat. And of course, I don’t have a perfect relationship nor lovelife. Neither you or anyone else. Lahat nagkakaproblema at nagkaka-misunderstanding siguro para matuto tayong maging matatag at matutong sumabay sa daloy ng buhay. Lahat naman kayang lagpasan at lutasin, kung may makikitang daanan ang pag-asa sa atin.
Lahat tayo sinasagot ng Diyos ng ” Oo ” , ” Hindi ” at ” Maghintay ka.” sa tuwing tayo’y humihingi ng kanyang tulong. Wala naman talagang ” Hindi tayo para sa isa’t isa. ” , for me, walang ganun! Tayo ang gumagawa ng mga desisyon natin, para panatilihin ang Habambuhay o kaya’y iwanan sa ere ang pag-ibig na inalay. LOL.** Ang lalim ba! Seriously, totoo yan.
There’s no such thing as ” FOREVER ” as long as you’ll prove that it exists. — Marween.
Nasa saainyo yan, lahat tayo ay nagfafail kapag tayo’y nadaanan ng mga maling desisyon, na kadalasa’y pinagsisisihan natin sa huli.
Well, I guess. LOVE is a broad topic. It’s difficult to elaborate all the meanings of the said word. Para sakin, tayo ang kusang makakahanap ng ibig sabihin nito through our experiences.
Love,
Post a comment