LOVE IS BEING CONTENTIVE OF WHAT YOU HAVE…
ang pagiging kuntento..
tama bang tingnan na lang ang kalangitan na iyon o abutin ko pa ito?
Tanging maririnig lamang sa mga oras na ito, sa kalaliman ng gabi ay ang mga munti ngunit panay-panay na patak ng ulan at ang mga ugong ng mga sasakyang nagdaraan. Karamihan sa mga tao, sa mga oras na ito ay siguro’y mahimbing na sa pagtulog at pilit isinasantabi ng kanilang wala sa ulirat na isip ang mga mabibigat na problema at suliranin na sa kanilang paggising ay pilit silang guguluhin. Mga problema…mga bagay na pilit winawaglit ng mga tao at pilit tinatakbuhan. Na sa ngayon, takbuhan ko man ay nahahabol pa din ako..taguan ko man ay nahahanap pa din ako at kalimutan ko man ay pilit pa ring ipinaaalala ng mga bagay na nasa paligid ko. At ito ang dahilan kung bakit hindi ko pa mapikit ang aking mata at magpahinga para sa gagawing pag-susunog ng kilay sa kinabuikasan. Sa pagsusulat nito, nais ko ngayong ilabas ang aking mga hinanakit, mga tinik na pilit bumabaon sa aking pagkatao na kahit sino man ay hindi makatatanggal.
Ngayon, ako’y masaya naman sa buhay ko, masaya ako, KONTENTO ako. Pero, sa huli, mali din pala ang pagiging kontento, hindi dapat maging kontento. At bakit? Ganito iyon:
Ako ngayon, ay itinanghal na top 2 ng aming klase sa 2nd grading period sa aking ikaapat na taon sa highschool.. Noong first year ay ako’y 3rd honor, maging noong ikalawang taon.. ako’y naging pngalawa lang noong nasa ikatlo na..at ngayon ito nga, 2nd ako..ang saya dahil ang goal ko lang talaga ay mamaintain lang kung ano ba ang mayroon ako, ayun, nagawa ko naman siya at sa kabutihang palad ay napataas ko pa kahit sa isang posisyon pa.. kaya ngayon, ako’y kontento na..
Ngayon din, ay, masaya ako na nabuksan na naman ang aking damdamin sa tinatawag nilang hindi maipaliwanag na pakiramdam.. masasabi ko ngayong nagmamahal na ako ngayon ulit..^-^ at masaya ako tuwing kasama ko siya, katabi ko sya..sa twing hawak nya ang kamay koy pakiramdam koy walang aapi sakin..para kung batang nadadasal na sana ay laging pasko upang laging may regalo,oo parang ganon nga dalangin ko na sanat may kapangyarihan kung patigilin ang oras par maksam sya ng matagal.. iyong tipong gaya ng sabi ng aking guro:
“ iyong tipong makita mo pa lamang ang sintas ng sapatos niya o ang hubog ng likod niya ay masaya ka na sa oras na iyon..”
Haaay, sana hindi na matapos iyon, ito, sana ganito na lang, ngunit, nakakalungkot mang isipin, minsan, kahit pa kayo na talaga ang para sa isa’t isa ay lalayo, at lalayo pa din..mapaglaro talaga ang tadhana..pero kahit ano pa man ang mangyari, kailangan kong maging matatag at magdasal upang hindi masira ang pag-ibig na iyon.. ito ang palagi kong tinatanong sa aking sarili, mali ba ang umibig? Hindi, dahil hindi mo pupwedeng pigilan ang iyong damdamin dahil baka sumabog ito. Gaya ng sabi ng matatanda,basta alam ang limitasyon…hmmm..kailangan ng limitasyon lalo na sa kabataan kaya pinipilit kong magampanan ang mga iyon..at kontento na ako sa kanya..
Ano ba talaga ang pilit bumabagabag sa akin?
Hmmm..kontento na ako sa kung ano ang mayroon ako, successful sa patuloy na pag-agos ng pag-aaral, isang pag-ibig na kahit hindi ko pa alam kung iyon na ba ay gusto kong maging iyon na nga, masayang oras kasama ang mga kaibigan at pamilya, at plaging nakakatulong sa iba..iyan ang buhay ko ngayon, kontento na ako..makatulong lang ako ayy ok na sa akin..makatulong lang ako ay masaya na din ako, lalo na sa mga kaibigan ko..masaya na ako..masaya na ako sa akung anung meron ako ngayon..
At ito, ito ang gumugulo sa aking isip na kahit nasubukan na sa kung ano ang kahulugan ng kamunduhan ay pilit pa ring kinukulangan dahil sa kawalng kamalayan sa ibat ibang bagay..
“huwag kang maging kontento..oo, tama iyong maging kontento ngunit kung palagi kang ganyan ay hindi ka lalaki, hindi ka uunlad..alm mo at alam ng lahat na marami ka pang kayang gawin..minsan, kailangan mong lumaki at umalis diyan sa kinalalagyan mo at umangat sa mas mataas na lugar..marami pang bagay ang mangyayari sa iyo..huwag mong sayangina ang pagkakataong mas lalo ka pang matuto..maraming umaasa sa iyo..isipin mo na lamang ang mga taong iyon? Mga kaibigan at ang pamilya..ang nanay mo? Isipin mo na lang sila..huwag mo silang biguin..”
—isang kaibigan
Tumatak ang mga salitang iyan sa akin..tumatak, tagos hanggang buto, tagos hanggang puso..pilit akong ginugulo..ano ba ang dapat kong gawin? Nang marinig ko ang mga katagang iyan, sa paguwi ko sa amin ay ibinuhos ko ang lahat, sa pagluha.. gusto ko lang ilabas..dahil sa tingin ko, parang may nagawa akong mali..at ito nga, inilalabas ko pa din ngunit sa pamamagitan na ng pagsulat..
Sa mga napagtanto-tanto ko ay aking napagdesisyonan ang mga bagay na ngayon ay ang tama at dapat kong gawin:
Mas pagtuunan pa ng pansin ang aking pag-aaral..kailangan ko nang magseryoso pa lalo, last chance na ito sabi ng aking ina kaya huwag ng sayangin pa..
Isa pang tanong, nakakagulu ba talaga ang pag-ibig sa pag-aaral? Maraming nagsasabing:
“Make love as an inspiration, not a desperation..”
Kung sa bagay, iyan at iyan lang ang tanging magagawa ko..kailangang gawin ko ito sa maayos at mabisang paraan..
Kaya ngayon, sa kinabukasan ay bagong araw na, bagong buhay na, kahit hindi pa new year ay kailangan ko nang magbago..baguhin ang sarili ko upang mas maging mas mabuti at mas maunlad na nilalang..
Kaya haaay..kaya ko ito..gagawin ko ang lahat para sa lahat..kung ano at ano man ang mangyari, no regrets..
“I will do my best, and Godwill do the rest”
Galing naman iyan sa aking ama..kaya ko ito..gud luck na lamang sa akin..
Babalitaan ko na lamang kayo sa susunod, kung ano ang mangyayari, kung magtagumpay man o mabigo man……
Isang istorya habang kumakain ng pancit canton
Linggo, walang pasok at gaya ng dati nasa tambayan na naman si Lee hawak ang kanyanag sketch pad na nangangalahati na at lapis habang naghahanap ng subject sa kanyang drawing. Mula sa kanyang kinauupuan na malaking bato, makikita mo ang buong bayan, malalanghap mo ang sariwa at malamig na hangin, makikita ang mga ligaw ngunit makukulay na mga bulaklak, at ang mga damo ay makikita mo hanggang sa abot ng iyong mga mata. Ito ang kanyang tambayan, mataas, tahimik at mapuno, sa itaas ng bundok. Ganito ang buhay niya tuwing lingo puwera na lang kapag umuulan. Apat at kalahating oras na siyang nandoon at sa wakas ay nakahanap na rin siya ng subject. Dalawang bulaklak at isang bato ang napili niya dahil parang kakaiba, ang isang bulaklak ay nakasandal sa isa pa.
“Ang ganda,” sabi ng malamyang boses ng babae.
Nagulat si Lee at muntik pa niyang maibagsak ang sketch pad. Bihira lang kasi ang mga tao doon sa bundok, mabibilang mo lang sila sa iyong mga daliri.
“Naistorbo bakit? Pasensya na.” Ang sabi ng boses.
Lumingon si Lee at nakita niya ang isang babae. Kayumanggi, katamtaman ang taas, hindi masyadong singkit, ang buhok ay lampas ang balikat, at may hikaw na hawig na hawig sa bulaklak na iginuguhit niya.
“Ayos lang ‘yun” ang biglang sagot ni Lee. “Nagulat kasi ako bihira ang pumapasyal ditto, huwag kang mag-alala” paliwanag ng binata na namumula.
“sigurado ka ba?” tanong ng babae. “oo nga eh, by the way I’m Lee ang you are…”
Sabay abot ng kanang kamay upang makipagkamay. “ I’m phoem” at inabot din ang kanyang kamay. Mabilis ang kanilang kamayan dahil kapwa nahihiya pa sa isa’t isa.
“talaga bang mganda ang gawa ko? Ngayon pa lang kasi ako nakarinig ng papuri mula sa isang babaeng kaedad ko pa..” Pagdududa ng lalaki. Nataw si phoem at sinabing “oo nga!” umupo at nakuwentuhan ang dalawa na para bang matagal nang magkakilala. Maya-maya pa’y may tumunog na cellphone, kay Lee pala iyon. May nareceive siyang messageat sabi ay:
“Li nung oras ka uwi? Mnanaghalian na tau ![]()
Agad niyang binura ang mensahe at isinilid ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. “paano ba yan, pinapauwi na ko.” Pamungad ng binata. “ikaw? Hindi kappa ba uuwi? Hatid na kita, sa’n ba bahay mo?” “hindi , wag na, salamat na lang, malapit lang naman ditto ang tinutuluyan ko.” Sabay tayo ni phoem. “sandali,” pigil ng binata. Binuksan niya ang sketch pad at pinunit ang kaninag iginuguhit na larawan. Sinulatan niya ito at iniabot sa bagong kaibigan. “tago mo”malambing na sabi ni Lee, “pero bakit? Sa’yo to ah.” “pasasalamat ko yan para sa bago kong kaibigan” “pa’no nice meeting you at sana magkita tayong muli.” Umalis si Lee pababa ng bundok na hindi man lang nakapagpasalamat si Phoem.
Limang araw ang nagdaan: pasok, aral bahay ang naging takbo ng buhay ni Lee. Sabado ng gabi ay inihanda na niya ang mga dadalhin para sa kinabukasan, may mga ngiti sa kanyang mukha. Ang mga ngiting parang excited at may gustobng makita. Pagkahiga na pagkahiga niya ay bumuhos ang ulan, habang [ponakikingagan ang patak ng ulan ay bumuntong hininga siya. Lingo ng umaga pero hindi pa rin ito tumitila kaya napilitan siyang manatili sa bahay. Dlawa, apat, anim na oras ang lumipas at nasa kwarto pa rin siya.maya-maya’y tinawag siaya ng kanyang mommy upang utusan na bumili ng patis sa malapit na grocery. Dali-dali siyang bumaba at kumuha ng paying na kulay asul, at bago siya lumabas ay tiningnan niya muna ang orasan, alas onse na pala. Ang pinakamalapit na grocery store sa kanila ay tatlong kanto ang layo. Pagpasok niya sa grocery store ay narinig niya ang babaeng kumakanta mula sa radio at narinig ang mga linyang “as long as the stars shine down from the heaven, as long as the rivers flow to the sea… biglang napansin niyang dalawa lang pala sila sa loob nito, bukod sa kahero. Ang taong ito’y nakacap, babae, at may sahdes na para bang may pinagtataguan. Mabilis niyang nakuha ang pinabibili ng kanyang ina at naksabay pa niya sa pila ang babae.
“magkano po lahat?” tanong ng misteryosang babae.
Mukhang pamilyar ang boses na iyon kay Lee, hindi niya lang matandaan kung kaninoiyon. Siya na ngayon ang iniintindi ng kahero at biglang pumasok sa isip niya na kay phoem ang boses na narinig niya kani-kanina lang. biglang kinabahan si Lee. Bumilis ang tibok ng puso niya. Dali-dali niyang binitbit ang pinamili at nagtungo sa pinto ng grocery. Sa labas nandoon angbabaeng-nakacap, naghihintay ng masasakyan. Npangiti si Lee at tinawag ang babae, “phoem,” sabay lapit ditto.
“kamusta ka na? matagal na tayong hindi nagkita ah!”
“eto ayos lang,” sagot ni phoem.
“okay din yang porma mo ah, sino pinagtataguan mo?! Biro ni Lee.
“ha! Ah…eh…bakit mo naitanong?”
“wala lang!” sabay ngiti ng binata.
Nagkuwentuhan ang dalawa, sa sobrang tagal hindi nila napansin na tumigil nap ala ang ulan. Maya-maya pa’y nag-vibrate sa bulsa ni phoem ang kanyang cellphone. Kinuha agad ito at binasa ang mensahe:
“ellow! How’s my super model G.F.? mis na kita, kaylan kb bblik d2? Nwis twg nlng me after a couple of min. kei? ![]()
“ o, may cellphone ka pala? Can I get your number? Tnong ni Lee kay Phoem.
“sure why not!” sagot ni phoem sa kaibigan.
Pagkabigay na pagkabigay ni phoem nh kanyang number kay lee ay nagpaalam na ito.
“edi pa’no kailangan ko ng umalis, tatawag kasi boyfriend ko” sabay daan ng kumakaripas na ambulaniya na malaksa ang sirena. Hindi tuloy narinig ni Lee ang huling parte ng sinabi nip hoem, kung ito ba’y boyfriend, o friend o bye friend. Tumakbo si phoem palayo at ngayon nama’y si Lee ang hindi nakapagpaalam. Kya habang tumatakbo si Phoem, tinanaw siya ni Lee at bumulong ng “ ingat…sana magkita tayo muli, namimiss kita friend.”
Lumipas na naman ang weekdays at cellphone lang ang naging tulay ng kanilang communication. Nagkasundo sila thru text na magkaroon ng picnic sa tambayan. Linggo ng umaga at nagkita ang dalawa sa malaking bato dala-dala ang kanilang baon. Inilatag ni phoem ang dilaw na table cloth, sabay hiaga ni Lee. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim at dumilat. Samantala, si phoem ay umupo sa tabi ni Lee hawak ang “stylish” na paying at tiningnan si Lee. Napatingin si Lee kay Phoem at iniwas ng dalaga ang mukha niya kay Lee gamit ang paying, sa likod nito ay namumula si phoem.
“ang taba mo pala!” asar ng binata sa dalaga habangsinusundot ng binat a angtgiliran nito.
“ ang yabang mo! Ting-ting!!! Ganti ng dalaga. “ hindi ako magiging mo…”
Pigil ng babae “wala, wala”
“ano ‘yun” usisa ni Lee.
“hin-di-ko-sa-sa-bi-hin!” makulit na sagot ni Phoem at tumakbo palayo na parang nagpapahabol. Tumayo si Lee at hinabol ang dalaga, paikot-ikot sila sa mga puno, sa sobrang pagod, tumakbo pabalik si phoem sa table cloth na halos isang dangkal ang layo ni Lee sa kanya, halos sabay din silang humiga at hinihingal. Nagkangitian sila at tumawa ng walang patid. Biglang may inabot si Lee kay phoem. Isang bato. Isang makinis at medyo bilog na bato.
“ano ito?!” pagtataka ng dalaga.
“wala lang, idagdag mo sa ibinigay ko sa iyo.”
“at baket?” patanong na asar ng babae.
“kasi naniniwala ako na pag may minamahal ka, hindi maganda pag binigay mo ay bulaklak, tsokolate o stuff toy. Kasi, pag bulaklak, nalalanta, so ibig sabihin nun namamatay ang pag-ibig mo. Pag-tsokolate, natutunaw hindi solido ang pagmamahal. Stuff toy naman, nasisira din, peor pag bato matigas solido at matagal masire. Gets mo?!!”
“a, okay” sabay abot ng bato at itinago sa handbag.
Lumakas ang hangin at nagiging itm ang ulap. Maya-maya ay may maliliit na patak ng ulan sa mukha ng magkaibigan. Unti-unti pero bumibilis at biglang bumuhos ang ulan. Napatayo ang dalawa at dali-daling iniligpit ang mga gamit. Tumakbo sila pababa habang lumalakas pa rin ang ulan. Sa sobrang babaw ng bulsang pinaglalagyan ng cellphone ni phoem hindi niya napansin na nahulog ito at dumausdos sa bangin.
Pagkatapos ng picnic, ilang lingg silang hindi nagkita dahil busy pareho at hindi ma-contact ni lee si phoem. Balisa si Lee gusto niyang makita si phoem, gusto na niyang magtapat sa dalaga ta sabihin ang balita. Habang si phoem ay naglalakad galing sa post office, binabasa niya ang sulat na pinababalik na siya dahil marami pang pictorial na naghihintay sa kanya. Matagal pa rinpala ang inilagi niya doon. Kaya habang nag-eempake siya ng mga gamit ay naalala niya ang sketch at baton a ibinigay ni Lee. Kinuha niya ito sa drawer at napaluha ng bigla at sinabi.
“bakit kung kalian sigurado ka na ay saka pa mawawala…”
Dumaan muna si phoem sa grocery upang bumili ng makakain. Pagkalabas niya ay may nakita siyang pamilyar na tindig. Gusto niya nang tawagin pero wala siyang lakas na banggitin ang pngalan kaya lumapit na lang siya. Kinuha niya ang left side earphone at inilagay sa kanyang tenga. Nagulat si Lee at napatingin sa kanyang kaliwa. Nakita niya si phoem na kinakanta ang linya na pinapakinggan niya.
“Farewell to you my friend, we’ll see each other again…ang lungkoy nung kanta”
Sabi ni phoem.
“phoem!!!” sabi ni Lee na may halong tuwa.
At nag-usap ang dalawa tungkol sa kani-kanilang pag-alis. Maya-maya ay sumandal si phoem sa balikat ni Lee at umiiyak.
“ Basta pag tumigil na ang paggalaw ng mga ulap babalik ako at magkikita tayong muli.” Sabi ni Lee upang patahimikin na ang kaibigan…
Dalawang taon ang nagdaan, si phoem ay nakahiga sa dilaw na table cloth sa tabi ng bato sa tambayan. Tinitigan niya ang langit, at pumikit, nakatulog siya. Naalimpungatan siya at pagkadilat ay una niyang nakita ang langit, walang bakas ng anumang ulap. Bigla siyang nakarinig ng boses, boses ng lalaki…pero hindi ito pamilyar sa kanya…
at iyon nga ang kwento ng aking pinsan ^-^
Post a comment