laking bear brand ako..

Posted on November 4th, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

LAKING BEAR BRAND AKO..

Beard Brand Isang Baso, Nagagalit kasi BheBhe ko pag nagkakape ako kaya pag Kopee Break, Milk Break na ang tawag ko

Bear Brand Isang Baso, Nagagalit kasi BheBhe ko pag nagkakape ako kaya pag Kopee Break,”Milk Break” na ang tawag ko :D

HIndi ko alam kung paanong intro ang gagawin ko kaya isang karanasan muna ang ikukwento ko:

Naaala ko pa noong bata pa ako (siguro anim na taon ako noon), isang umaga iyon, at gaya ng nakagawian nagkita-kita na kami ng mga kalaro ko.

Panay muta pa nga si Kenneth, kumakain pa ng pandesal habang bakas pa ang panis na laway.

Kenneth: Otep, ano inalmusal mo?

ace: Gatas, saka sinangag na may itlog, Ikaw?

Kenneth: Ito Pandesal, pang-apat ko na nga ‘to, saka kape..

ace: Ahh kaya pala maitim ka, sabi kasi ni Papa pangpaitim ang kape kaya hindi ako nagkakape.

Kenneth: Ang yabang mo naman

ace: ‘Kaw nga mayabang d’yan, kakain ka lang sa labas ka pa.
Naglao’t nauwi kami sa pikunan ka aga-aga.

Dumating sijpna nagpupungas pa.

ace: (winika ko kay Joel) alam mo ang yabang n’yan kakain lang dito pa sa labas

ace: oo nga dapat sa bahay n’yo ka kumakain

Kenneth: eh ano bang paki-alam n’yo? (naluluha na)

ace: Bakit ka nagagalit?

Kenneth: Ang yabang mo kasi porket’ maputi ka
Ginatungan pa ni Jp

Jp: Hawakan mo nga yung tenga..
Ayaw n’ya hawakan tenga ko, kaya ako na lang humawak ng tenga n’ya, kaso sinalag n’ya ng kamay niya na may hawak na pandesal n’yang hindi mauubos-ubos. Ayun ang saya nalaglag..

At ano pa ba ang inaasahan ng lahat? nagngangawa s’ya at binato ako ng bato buti na lang hindi masakit dahil tumalbog sa bilbil ko.


Sa sobrang gigil ko, nagawa ko s’yang lapitan at itulak at nagsimula na ang rambulan.

Taenang Jp ‘to, noong dumating na yung nanay ni Kenneth para i-rescue, hala hindi ako kinampihan. taeng ‘yan!

Nanay ni Jp Salbaheng bata ka! (sabi sakin) Hindi ka tinuturuan ng Magulang mo! ang laki-laki mo kumpara sa anak ko!
Hinila ako papunta sa bahay namin.

Nanay ni jp Mang Pepe! (pangalan ng Papa ko) tingnan mo ginawa ng anak mo!
Hindi humingi ng pasensya Papa ko, mangyari lang na kinuha ako sa kamay ng Nanay ni Joel at ipinasok ako sa bahay.

Alam ko na gagawin ko kaya dumapa na ako.. ahuhuhuhu

Hindi na ako na supresa sa sinturon dahil close na kami.

* * *

Pangarap ng bawat Ina (slash) magulang na mabigyan ng magandang nutrisyon ang kani-kanilang mga anak.

Sinasabing sa pamamagitan ng pagpapasuso ng Ina sa kanilang mga sanggol ay isang magandang paraan upang lumaking matalino, malusog at hindi sakitin ang bata sa paglaki nito. (hahaha parang advertisement lang).

Kaya ganito na lang ako siguro, dahil ayon sa aking butihing Ina ay nasa dalawang taong gulang na ako noon at patuloy parin ako sa pagsuso, kaya ganito na lang siguro nguso ko.. hehehe :D

Ayon naman sa mga guro ko noong nasa elementarya ako, isa daw akong Bibong bata, nakakapagguhit daw ako ng mga bagay bagay na hindi kayang gawin ng mga kapwa ko estudyante sa klase, marunong akong gumihit ng bulaklak, bahay, ultra man, multo pati batang nakahubo na labas ang ano nito, siguro ini-imagine ko lang noon sarili ko habang nakahubad.

Madalas nga akong isali sa mga on-the-spot painting contest, hindi nga lang ako nananalo. Asar kasi eh, madalas kong sisihin ang krayola kong putul-putol at kulang-kulang pa, kumpara sa mga nakalaban kong oil pastel pa ang gamit. (minsan iniisip kong bias lang talaga ang pagjudge) hehehe

Bukod sa pagguhit may talento din daw ako sa pagkanta, naalala ko rin na minsan na rin akong pinakanta ng Lupang Hinirang sa stage namin (sikat)

Maaga rin akong natutong magbasa, nasa unang baitang palang ako ay mahusay na ako magbasa ng tagalog, hindi nga lang kagalingan sa english (hanggang ngayon naman eh) Kaya pag umaalis ang guro ko para pumunta sa kabilang kwarto para makipag tsismisan sa kapwa guro n’ya, ako ang pinapahawak ng stick na kahoy para turuan magbasa ang mga kapwa ko estudyante..

Feeling guro nga ako noon, parang.. ang taas-taas ko kaya tinitingala ako ng mga kamag-aral ko habang nakaupo sila sa sahig.

ako: Gayahin nyo ako pagtapos ha.. GA, GE, GI, GO, GU

klasmeyt: GA, GE, GI, GO GU
Sabay turo ng istik ng makailang beses sa “GA”

Klasmeyt: GA, GA, GA, GA, GA,

(Grade one na Grade one ang dating di ba?)
Pagkatapos naming pasadahan iyon.. tutuloy naman kami sa pagbuo ng salita (ililipat ang chart na gawa sa manila paper)

parang.. GA+GO = GAGO… parang ganun.

Sa ngayon, mapalad akong sa limang magkakapatid ako lang ang nakatapos sa pag-aaral, masyado kasing nag-init ang mga kapatid ko at mas ninais nilang mag asawa na lang lahat. (Ang hirap sa kanila, pinag-aaral ayaw mag-aral). Sa huli, biglang lilitaw ang kasabihang “Walang Unang Pagsisisi”

Ayun, may bago na naman akong pamangkit, nitong miyerkules lang, sa kabuaan anim na ang pamangkin ko kaya nangangamba na ako pagdating na pasko.. Aww!

Nakakaawa lang ate ko kasi Wala na nga s’yang trabaho wala ring trabaho asawa n’ya ang malala pa, hiniwa pa ang tiyan n’ya para lumabas yung bata, hindi ko alam yung term sa operang ‘yun. ayun sa awa na diyos tatlo na tahi n’ya. hehe

Maswerte na lang siguro kung magpapasusu s’ya dahil bawas gastos din yun sa pagbili ng formula milk. Maganda rin yun para matulad s’ya sa Tito Otep nya na adik sa mga bagay-bagay, sa paglaki n’ya.

Sa kabuuan maganda talaga ang naidudulot ng pagpapasuso ng ina sa anak.

Naalala ko tuloy yung palatastas (kung hindi ako nagkakamali) ng DOH

ang gatas ng pusa ay para sa kuting

ang gatas ng aso ay para sa tuta

ang gatas ng baka ay para sa?… parang ganun.
Nitong mga nakaraang linggo dinagundong na naman ng napakalakas na Balita ang mundo mula sa China,

Naglabasan kasi sa napakaraming pagsusuri na sanhi ng pagkasawi at pagkakasakit ng maraming bata sa China ay bunsod ng pag-inom ng gatas na may labis na pagkakahalong kemikal na tinatawag na Melamine, Ang Melamine ay inihahalo sa gatas upang magmukhang mataas sa protina nito at manatiling matigas (sa powder milk).

Haaaayyy.. kawawang mga bata, kung lahat lang sana ng mga ina ay kayang magpasuso at lahat ng mga working mom ay kayang mag milk bank..

Ang nagagawa nga naman ng teknolohiya? at ng “pagprepreserba” sa buhay ng tao may malaking pakinabang kaso hindi sa lahat ng panahon.

Bookmark and Share



Post a comment