ESSAY:aNg LOVE na maLabO pero MaLiNaW!

Posted on October 26th, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

aNg LOVE na maLabO pero MaLiNaW!

Hay! Ang lab talaga!!!!!!!!!! Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo man ay totoo pa rin. Ang labo diba? pero ang linaw!

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. teka ano ba talaga?

May kaibigan ako, sabi niya dati, “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi cum laude and standing niya, pero dumating ang panahon, na-inlove din ang hung-hang! At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya minsan, moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot.(At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talagang magmahal. Napansin ko nga eh. Prarang kung gusto mo lang ma-inlove ulit, sabihin mo ang magic words na “Ayoko nang ma-inlove!” bigalng VOILA! Ayan na siya. Nang-aasar. Nagpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin sa pagdating ng problema ng ibang tao, ang galing galling mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan, parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namumroblemang tao? Naisip mong wala naming mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinatamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman na ganito pala! Sabi ko na eh!” . “Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap ding pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh, nagpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag lura-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “ Bakit niya ‘ko sinaktan?” may kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Ang labo talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa pag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang daming beses ko na kasi siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

…uhm..first sunday ng sembreak namen…

Posted on October 26th, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

…uhm..sunday ngaun nagkayayaang magsimba..aun nagsimba nga kami,para naman mabawasan ang mga kaxalanan namen..actually this tym kaxama coh ung sis coh..while im mkeng may blog…nakikinig sya ng music xa youtube ang nanood nah rin..any way..xa araw coh ngaun..uhm?????

auhm..nagsimula ang mas 10:30 aun after nagyaya si dherw nahg magluch daw..xa sm nalang …xa isang chanese resto kami coh maen..mejo magulo nga lang dahil xa  dami namen..so aun after non nagpasimuno si j.c ng videoke aun di kantahan..tapos etong si drew nagpaxama xkn..di humiwalay kami xa grupo..actually mean event ngaung araw si ung iskandalo ni drew…nakakatawa tumg araw nah toh nah nakakainis..

nagsimula un xa singsing…last september kasi ung montxary ng tropa may regalo xkn si drew silver ring..binili nia un pair para xkn ung isa..din ung xkn malinis at makintab pah..pero ung kanya maitim nah..kaya xav nia magririklamo daw sya…nakita coh nah ung buth ng uni.xav coh best  cool kah lang ha!?xv nya ok..pagdating don..mis gusto coh lang magtanong bakit ung pair of silver nah binili coh ung isa maitim nah..ting nan u ung xa gf coh at xkn?baka naman hindi tunay to?(banat ni drew inaawat coh nah xav bah naman pabayaan moh muna coh)xagot naman ng gurl;sir baka naman acidict lang kau kaya po nangitim.DREW:noh naman akala moh sakin miss libagin?ha?.MISS:sir lilinisan cohnalang po..DREW:gusto coh magmumukhang bago dahil pag hindi babalik coh nalang!…

hay basta…subrang iskandalo graveh!

dito nalang muna…may gagawin pah kung entry!

….last day of school…start nah ng sembreak!!!!!!

Posted on October 23rd, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

…hey!galing lang meh ng school naicip coh kahapun kakagaling lang namen ng s.m kaya mag internet nalang kami..actuelly at this time were waiting xa iba..mga paimportante…

 

wala nah kaming paxok..noh kaya mangyayari xa sembreak coh..may kababalaghan bang mangyayari uhm,…naeexcit coh..hiniram coh  nga ung 5books of horor ni dhrew ze i nkew maboboring lang coh…pati ung c.d player ni dhrew nah xkn din at ing box napunong punoh ng c.d..

 

actually minxqan akala ni mama nah c dhrew ang bf coh..natatwa lang coh..i lov dhrew at freinds lang talaga un..noh more!

any way maganda naman ung araw coh..not juzt like kahapun nah subrang malas!..xa 22o lang xana walang sembreak kze aukong magstay xa bahay lang..oh xa bahay ng mga relatives coh..ewan bah pagnasa bahay coh..linis,luto,laba and pagsure nah coh nah wala nah kung ibang gagawin at walang maipipintas xa mga linis coh si mama..juzt go to my room..open the t.v habang nagbabasa ng libro o kung anu man un..mga journal coh..blog papr coh..ung mga kwento ng bokk coh…(aus dvah nagaaksaya ng kuryent)pero madalas 2log coh..at paggabi gising…haha..pag wala kung cp ganon lang buhay coh…

 

boring bah..puro kasi coh aral..kung may exist nah oras xaka lang kami nagala ng barkada…

 

so…dito nalang ang entry nah toh….

GUSTO KONG MAGING TREE HUGGER

Posted on October 23rd, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

Maaga akong nakauwi sa bahay nitong Lunes, kaya naman mapalad akong naumpisahan ang i-witness,ang edisode ay obra ni Ms. Sandra Aguinaldo ukol sa mga matatandang (slash) makasaysayang puno dito sa Metro Manila, may pamagat itong PUNO NG KASAYSAYAN, na talaga namang naibigan ko, astig diba? double meaning ang salitang “PUNO”.

Habang nanonood ako, may mga pagkakataong napapahanga ako sa mga Puno dahil nagawa nilang mabuhay sa haba ng panahon, lalo na’t nakatanim ang kanilang mga ugat sa lugar kung saan sabihin na nating kaagaw ay tao.

Nakakalungkot lang dahil ayon na rin sa tree doctor ay konti na lang ang itatagal nito kung hindi talaga mapapangalagaan.

Sa mga tulad kong Greenminded.. heheheh nature lover pala, malapit talaga sa puso ko ang mga usaping kalikasan, paano pa kaya kung samahan ito ng kasaysayan.

Nilalang ng Maykapal ang mga may buhay kabilang ang puno at tao ng mayroong kanya-kanyang teritoryo sa tinatawag nating mundo. Marami ng sinakop ang tao, sana naman, ang mga nanatili pang matatag na nakatayo ay huwag ng agawan pa, dahil pag nawala pa ito, hindi lang buhay ang mawawala pati ang kasaysayang nakapaloob dito.

Sa kabilang banda, nakakatuwang may mga taong pisikal kung magmahal sila sa mga puno, may pamilya kasi doong pinakita na ang hilig ay pagyakap sa mga puno.

Na curious tuloy ako kung anong pakiramdam habang niyayakap ito.

EMO MODE:

Sana, pag nabigyan ako ng pagkakataong may mayakap na puno

Mabigyan rin sana ako ng pagkakataong may maisama,

Hawak kamay naming ididipa ang aming mga dibdib, kasamay ang tengang handang makinig

Sabay din kaming pipikit habang dinadama,

mga damdaming sa ami’y iwiwika,

ng punong nais kong maging saksi kung anong pag-ibig, aking nadarama.

Naway ako’y pagsang-ayunan

na ang pag ibig ko ay dalisay

kasing tayog ng kanyang mga sanga

kasing lusog ng kanyang mga ugat

na nananatili sa kanyang matapang na pagtindig.

Mangangako ako sa punong ito na tutularan s’ya,

na kahit anong lakas na hangin at bagyo

ay mananatili akong matapang, kakapit sa lupa kung saan ako nakatayo.

Sakaling maputulan ako ng sanga,

hindi ako iiyak at mawawalan ng pag-asa, dahil alam kong tutubo pa ito.

Magiging mapagbigay ako sa aking mahal,

Tulad ng mga ibong pinagkakalooban ng masisilungan,

at sa mga taong nabibigyan ng mahihingahan.

At kung ako’y bibigyan ng pagkakataon ng isang puno, para humiling sa kanya,

pipiliin ko ang kahilingan na panghabang buhay, tulad ng pilat.

Isusulat ko sa kanyang katawan

ang pangalan ng taong kasabay kong lumilim sa mayabong n’yang mga dahon.

Dahil naniniwala akong kasabay ng pagkayap ko sa kanya

ay ang pangako at pag-ibig na inaalay ko sa ating sinta.

…meet may new friend OSCAR!!!!!_

Posted on October 23rd, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

OSCAR -MY NEW FRIEND

Last night pumunta ako sa mcdonalds, syempre para kumain..

at sa sobrang purga na sa mga meals sa fastfood, ayun para maiba naman umorder ako ng happy meal kala ko kasi kinakain pati yung toys ‘mcspaghetti with regular coke plus yummy toy’ (korni ko. tonight LOLZ)

Inagaw kasi ng laruang ito ang atensyon ko, na curios ako kung paano s’ya nilalaro o nag pa-functions, tumatambling ba s’ya? kumakahol? o hanggang display lang talaga s’ya?

Hanggang makarating ako sa office hindi ko s’ya tinigilan at pinagtanong -tanong ko pa kung anong pwedeng gawin sa de-magnet na laruan na nahahati ang katawan.

DUMATING ANG ORAS NG UWIAN:

at dahil lagi akong O.T.-Y, charity in short, lagi akong naiiwan sa department namin.. marami pa kasi akong dapat i-layout, i-encode at i-proofread.

Matatakutin akong tao, at dahil na rin siguro sa nasanay na akong maiwan sa opisina kasama ang mga dagang pinagtitripan ang mga dyaryong nakatambak, nasanay na rin ako.

Namalayan ko na lang habang nagtatrabaho ako, tinitigan ako ng laruang ito, pinagmumulatan ako ng kanyang mata sa aktong tila luluwa ito.

Naalala ko tuloy noong bata pa ako, iniisip ko na lahat ng laruan tuwing gabi ay naglalakad o dili kaya’y nakikisabay din sa aking pahinga dahil sa buong hapon nitong paglalaro (napapagod din)

Kaya ayun naisip ko na antok na antok na itong naluraang ito kaya pilit n’yang iminumulat ang kanyang mga mata para hindi ko mahalata na napipikit na pala s’ya sa sobrang antok.

Naisip ko tuloy na hindi na pala ako nagiisa at magiisa simula ngayon dahil may makakasama na’ko, gusto ko na nga s’yang kausapin kaso baka akyatin ako ng guard at maaktuhang kinakausap ko ang laruang ito.. yari ako, deretso ako nun sa mental panigurado.

May pagkajologs din akong tao, hindi ko alam ang pangalan n’ya, kaya napagpasyahan ko na lang na mag-isip ng pangalan na malapit din sa pangalan ko, unang pumasok sa isip ko ang OSCAR, kaya agad akong nag print ng pangalan nya at idinikit sa katawan n’ya.

Parang adik lang no?

SAMANTALA..

HINDI KO sinasadyang mahulog ang page guide/page dummy ko sa ilalim ng table ko kaya dinampot ko ito, noong inilagay ko s’ya tabi ni OSCAR naisipan kong ipangpatong s’ya sa papel para hindi muling liparin o malaglag.

BIGLANG NAPAGTANTO ko na lang ang magnet n’ya sa nahahati nyang katawan, at napagalamang ayun pala ang PURPOSE ni OSCAR, hindi bilang pang display kundi pang-ipit ng papel..

HIGIT dun nalaman ko ang purpose nya sa buhay ko kaya ko s’ya nabili para magkaroon ako ng kasama sa malungkot at nakakatakot kong gabi. :D

Salamat oscar!!!

….thursday!…periodacal day!…hazel,…emhp

Posted on October 23rd, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

…this is a tiring day!ang xama talaga ng araw nah toh..imagen napaiyak pah coh..

nalate coh ng gising..si mama kasi hindi nya talaga coh ginigising..malaki nah raw acoh!aun 3 nah kasi coh ng ma2log xa kakareview coh kagav dhil periodical nga ngaun…pagbango coh nakahanda nah lahat pero ewan ba tamad talaga kung kumaen ng breakpast kaya bago coh nakarating ng c.r senermonan acoh ni mama..(naxa jep nah coh ng?)shit may naklimutan coh ung reaction paper coh..(noh choice but to go back home)…on the way to school..kung minamamalas kah nga naman..trafic!!!@$!^%$*…hay!nagsisimu;a nah kung sumabonh..kunti pah..uhmmmmmmm.mama!!wala kah bang pakiramdam ha?akla mo ata kaw lng ang tao dito..wala kang pakundangan xa pagbuga ng usok ng sigarilyo moh xa harap coh pah!!!(noh xa tingin  moh ng yari????)aun di iskandalo..lahat nakatingin xkn..at bago coh narelized nah nagtatarey nanaman coh..eh!nasigawan coh nah ung lalake!mainit nah nga dag dag pulosyon pah kaya nasisira ng hangin eh!!!buti nalng at di nagalit xkn..SORRY MISS DI KO SADYA!at un tinapun ung sigarilyo nya…maya maya,may sumakay nah magnanay..infairness ang cute ng bata at mabango..halatang alaga talaga,.Na alala coh si mama,ayaw nya ng nauwe kami ng madumi,..ang mag uniform namen halatang pinaghirapang labhan..aba eh!di babad nah may kula pah..kaya maputinh ting nan..dati,kahit ngaun xa mga kapatid coh..nagmumukha kaming ispasol dahil kuntodo pulbo c mama xamen,ayaw nyang naamoy pawis kami.Xa umaga madalas namen pagawayan ang GATAS,ewan bah talagang auko ng gatas xa umaga..kaya minxan nagkaksagutan kami..maingay si mama,at mataray(xan ba coh magmamana?)…pero ng mga oras nah un namimiss coh sya!bago kasi coh umalis nah pah usok coh ung ilong nya..xa bahay makikita moh mga mga certificate at rebon pati medal..nah nakadisply don..xamen ng kapati coh un…cguro di namen makakamit ung kung di dahil kay mama…si mama ang  lage naxa likod ng taguy namen..c mama nah kahit pasawy kami lalo nah coh ay walang sawang sumosuporta..kaya eto coh top2 ngaun..at magiging top1 this 2nd grding!!!!

hay,natigil ang pagmumunimuni coh ng 2munog phone coh..aun c bhebs lng”bhsb wer kah nah 10mins.nalang at mageexam nah dali)aun magrereply nah xana ng bglang CHEK OPERETOR 2kwah naman..unli coh eh!maya may natatnaw coh nah ung school…buti nan don sila manong guard at bago coh pinapasok..magsmli daw muna..at gudluck xa test!thanks xa kanila!

madalilng naman ung test…super.!

nakakagutom..

gaya ng aasahan…maaga kami pinauwe..xempre di muna kami umuwe agad!nag sm muna kami..aun!naghahanap ng project kaxo.walang nahanap..

naubos pera coh kakakaen eh!ge dito nalang!

review tym nah eh!periodical pah kasi bks!

gudlock xamen!

…..documento…ni aster

Posted on October 22nd, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

NatIKMan Ko na…., MatitIKman KO na.

Sa buhay na napaka-gulo

Lahat ng bagay ay matitikman mo

Kapighatian, kalungkutan at kalbaryo

Isa lang naman ang sinisisi ko,

Kung bakit ipinanganak pa ako sa mundo.

Minsan iniisip ko, sana hindi na lang

Sana hindi ko ito natitikman

Buhay na napaka-rupok, napaka-dumi at napaka-baho!

Ipinanganak akong mahirap pa sa daga

Naninirahan sa iskwater kasama ang mga pusang gala.

Magnanakaw, snatcher, pusher at user

Malamang kabilang ako sa knila

Isama mo pa ang mga ibong mababa kung lumipad.

Natikman ko ng humithit, hindi lang sigarilyo pati na rin ng damo

Ilang buwan pa shabu na ang tinira ko.

May puntong mauubusan ka

Kaya pati kakosa ay tinatalo mo na.

Walang kai-kaibigan, kapitbahay at kapamilya

Basta kailangan na pati buhay ay isasanla na.

Kapit sa patalim ika nga.

Kung ayaw mong mamatay na dilat ang mata.

May oras na matino ang pagiisip..

Inaalala ang bukas na dadating

Sinubukang mag-aral at para malayo sa bisyo,

Nilisan ang sa tingin ko’y pugad ng kasalanan ng tao.

Hindi ganoon kadali ang buhay

Pero natapos ko naman ang aking pagaaral sa mataas na paaralan

Dahil sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay sa daungan.

Gusto ko pa sanang matapos sa pagaaral

Pero wala akong sapat na yaman.

Sa udyok ng aking kaibigan

Dinala ako sa gusaling ang gabi ay ginagawang araw

May intabladong makasalanan

Nasisinagan ng mga mapang-akit na ilaw

Muli kong natikamn ang sakripisyo para mabuhay

Natikman makipagtalik

Hindi lang sa mga babaeng parang lola ko na

Kundi sa kapwa ko lalake na nagbibigay sa’kin ng pera.

Tatlong taon ako sa ganoong propisyon

At sa huling gabi ng aking presentasyon

Isang sopresa ang gumulat sa lahat ng manunuod.

Isang raid ang bumuluga

Na nagahinto sa makamundong tugtog.

Natikman ko ang lamig na rehas

Natikman ang pasakit sa loob ng masikip na hawla.

Ilang taon din ang inasa, bago nakalaya

At sa labas muling magsisimula.

Sumubok ng trabaho pero hindi ganoon kadali para makakita.

Muli kong natikman ang magbanat ng buto

At nakatikim naman ng konting asenso

Natikman din ang umibig

At matitikman na ang buhay na inaasam-asam

Simpleng pamilya, simpleng pamumuhay

Ilang buwan ang hinintay bago ang kasal

Sa hindi inaasahan, Nagkaroon ako ng karamdaman

Na noon pa man, dinadaing na sa bar at piitan

Napag-alaman sakit ko’y walang kalutasan

Mundo ko’y gumuho

At dahil sa pagmamahal ipinag-tapat ko ito at saka lumayo.

Natikman ko na ang lahat ng negatibo sa mundo

At ang tanging hinihiling noon pa man ay matitikaman ko na

Ang lisanin ang mapait kong mundo.

tEaChErS dAy….(10-17-08)

Posted on October 19th, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

..uhm…now ln nah kapag internet..anyway last friday…ang xaya graveh!!

noh regular classes that day..cultural contest din..maxaya naman…marame ang nagkalat1…but enjoy!

dah best don ang mga intermation number ng mga teacher namin..xaya namaus acoh non…kakatili!galing ni mam duque sumayaw…tapos nag duet c mam ustreia at sir devine…infrnes magaling kumantah..tapos ung princpal namen at si sir lola nag dolromm galing din!

pero the gest ung law nila mam china at sir apollo pati ung iba..lambot ng katawan ni nila…sir apollo at mam china…pero si sir santos…wew!magturo nalang sys heheh joke!

basta maxaya..ung barkada nagyaya maginuman umayaw acoh lam u naman nah good gurl meh…

…birthday ni jhaenei,…inoman!its party tym…

Posted on October 16th, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

…….kahapon graveh,.enuman to the max,as in highest level ng bunggang bungga!

eto coh,xakit pah din ng ulo.,hang over atah?o xa mga naging kainuman kung nakalimut xa nym nila…

1000 ang budget ni jean,..kay nila marlou daw ang venue..hanep xa dami ng nilakad filing tuloy namen ni erick nah xa ibang deminsion nah kami xa dami ng puno at damo..kami nila bambi,erick,mark at jean ang nauna..may practice pah daw ang ibah..

bumili ng red houre cla marlou pagdating..hindi pah ganong kah lamig..aun xa unang bote pah lng..ay day!may tama nah coh..basta…maxaya c!a happy bday!

kung todo pabango at powder coh..may toothbrush pang dala din.ung pag uwe coh la nah meh tama at di nila nahalatng uminom coh……

xa uuletin naman…….

….istudyante acoh..skul bokul!(cuttings,ccp system,)

Posted on October 14th, 2008 in Uncategorized by asternoelyn

Kahit naman hindi makauno, basta makapasa lang.”

Astig talaga ang motto ng ibang mga studyante sa panahon ngayon.
Mga kabataang, pumapasok sa skwela.
Pumapasok lang, pero hindi sigurado kung nag-aaral nga talaga at natututo. Yung mga kabataang, kapag tinatamad na sa isang subject, magdodota na lang. O di kaya, pupunta sa SM. Quantum tayo. Yung bang, pag-uwi, tatanungin sila ng magulang nila, “Anak, kamusta ang school?” sasabihin naman ng bata, “Ok naman. Nakakapagod (gumala)..” Ang alam ng mga magulang, ok lang nga naman talaga ang lahat.

Parang ako lang sila. Tamad. Wala atang plano sa buhay.
At ang tigas pa ng mukha ko, isang pre-medical course ang plano kung kunin
At pagkatapos ng mahigit sampung taon at naging doktor na ako, siguro.. yayayain ko nalang ng kwentuhan ang pasyente ko….hehehe

Ako kasi ngayon yung tipo ng tao, na hinahanap talaga sa internet yung lyrics ng kanta lalo na kapag hindi ko maintindihan yung lyrics. Pero, hindi ko man lang naisip na isearch sa internet yung lesson na hindi ko naintindihan.
Yun bang, nageenjoy basahin ang isang nobela pero naiinis kapag sandamakmak na terms at chapters ang kailangang basahin sa biology. Yung, nagiinternet parin kapag masama ang pakiramdam.. Pero, kapag kelangan ng magreview, bukas na lang. Baka walang pumasok sa utak ko.
Nakakatamad kasing maging masipag. Nakakatamad na mahirapan. Nakakatamad na gawin ang isang bagay na sa una’t sapul pa lamang, hindi ko naman piniling gawin. Nakakatamad kasi hindi ko interes ito. Nakakatamad kasi, hindi ko ineenjoy ang ginagawa ko.

Tang’na, alam ko naman pala yung problema.
Alam ko naman pala kung bakit parang walang magandang nangyayari sa’kin. Kaso, hinahayaan ko nalang na kainin ako ng kabulukan ng sistema ko. Na, alam ko na mali na.. Ginagawa ko parin. Parang tanga lang.
De-tulak kasi ako. Kapag hinahayaan, hindi uusad. Pero kapag tinulak, gagalaw naman.

Awa ng Diyos, nagising ako. Isang beses, may project na pinapagawa samin ang prof. Yung kaibigan ko, hindi gumawa. Nung tinanong ko siya kung bakit hindi siya gumawa, sagot niya lang.. “Kahit naman gumawa ako niyan, hindi parin ako papasa. Itetake ko nalang yan ulit next year.” Tangina, ang yaman talaga nung kumag na yun. Hindi man lang sinubukan, sumuko na kagad. Pero, kapag nakapasa naman siya, ang saya saya naman niya.
Doon, napag-isip isip ko. ANONG GINAGAWA KO?! Sayang. Sayang naman yung pinang-allowance sakin. Sayang yung perang pinagbili ko ng ballpen at filler. Hindi ko naman nagagamit lahat.

Sinubukan ko, na ienjoy yung ginagawa ko. Ang galing, parang hindi ako ganun nahirapan. O kahit mahirapan man, hindi na ako nagrereklamo. Gusto ko naman yung ginagawa ko eh. Yun bang, kapag hindi ko na alam yung lesson.. talagang magpapaturo ako. Bakit ba, eh kelangan kong pumasa eh. Naghahabol na ako ngayon ng grades, hinahabol ko yung mga dapat noon palang, nagawa ko na.

At dahil diyan..
Tatapusin ko na ang entry na ‘to.
Kelangan ko pang mag-review, finals na kasi namin.
Ipapasa ko na mga subjects ko

Next Page »